Wednesday, February 27, 2019

Ang katotohanan tungkol sa Oro, Plata, Mata

Isa, dalawa, tatlo...

Hindi natin mapigilan ang magbilang kapag tayo ay umaakyat ng hagdanan lalo na kung ito ay mataas. Maaaring dahil nais nating maitaboy ang ating pagkainip. Ngunit, alam mo bang sa bawat paghakbang mo ay mayroong epekto sa'yong buhay. Ito ay nakabase kung ang dulo ng iyong hagdan ay nakabase sa Oro, Plata o Mata.

Suwerte o Malas?

Anu-ano ang mga ito? Kung nais mong malaman kung anong klaseng buhay ay bilangin mo ang baitang ng inyong hagdanan, ngunit sa halip na numero ang bibigkasin mo'y Oro, Plata, Mata ang paulit-ulit mong sasambitin, mula sa una hanggang panghuling baitang.

Naririto ang ibig sabihin ng oro, plata at mata.

Oro  -- ginto ang ibig sabihin nito. Kaya, kung ang baitang ng iyong hagdanan ay magtatapos sa oro, siguradong ikaw ay magkakaroon ng magandang buhay. Tiyak na ikaw ay susuwertehin. Kaya, kung  ikaw ay magpapagawa ng bahay, bilangin mo ito ng mabuti.

Plata - silver naman ang ibig sabihin nito. Kung mayroon kang negosyo, siguradong ikaw ay aasenso kapag ang baitang mo ay nagtapos sa plata.

Mata -  kamalasan naman ang ihahatid nito sa'yong buhay kung hindi mo bibilangin ng maigi ang baitang ng iyong bahay o ng iyong titirhan. Tiyak kasing hindi lang magkakaroon ng trahedya ang inyong buhay, pwede pa kayong dalawin ng mga multo o ung anu-anong maligno.

Kaya, huwag na huwag mong babalewalain ang inyong hagdanan. Hindi lang ito bahagi ng inyong bahay, maaari pa itong maging daan kung nais mo talagang magkaroon ng magandang buhay.


Friday, February 22, 2019

Naniniwala ka ba sa PAMAHIIN?

Kung ako ang iyong tatanungin, mariin kong sasabihin na pinaniniwalaan ko ito. Ewan ko lang kung dahil nga ba sa nakamulatan ko ang paniniwalang ito o dahil kapag hindi ako sumusuway sa mga pamahiin ay nagkakaroon ako ng magandang buhay. Kung susundin mo naman kasi ang pamahiin, walang mawawala sa'yo, may mga suwerte pa ngang darating sa'yong buhay. Samantala, kung susuway ka, mamalasin ka 'raw'.

O, ano ba ang gusto mo, suwerte o malas?

Siyempre, ang isasagot mo ay SUWERTE. Kaya, kailangan mo talagang pakinggan ang mga pamahiin na ibabahagi sa'yo. Huwag mong hayaan na malabag mo ang anumang pamahiin dahil hindi mo magustuhan ang mangyayari ito. Hindi ko naman sinasabi ang mga salitang ito dahil naranasan ko na ang malasin. Ayaw ko na siyempreng mangyari pa sa akin ang kamalasan na kaakibat ng mga pagsuway sa pamahiin.

Kung ikaw naman ay may mabuting puso at mayroong disiplina, siguradong hindi ka mahihirapan na sundin ang pamahiin. Para masagot mo kung kaya mo nga bang sundin ang pamahiin, nais kong ibahagi sa inyo ang ilan sa mga ito na maaaring sa'yo ay  maging pamahin suwerte o pamahiin malas.

Pagwawalis sa gabi -- Itataboy mo raw ang mga suwerte na nasa loob ng iyong tahanan kapag nagwalis ka na kagat na ang dilim.

Kapag pumatay ng pusa - Ayon sa marami, kapag pumatay ka ng pusa, sinadya mo ma o hindi, siyam na taon kang mamalasin.

Ito ay ilan lamang sa mga pamahiin na ating kinagisnan. Sa mga susunod na araw ay tatalakayin ko rin ang iba't iba pang klase ng pamahiin na siguradong magpapagulat sa inyo. Sa pamamagitan kasi nito ay maaaring magbago ag inyong buhay.




Ako si Maria

Magandang Umaga sa lahat.

Kaysarap talagang pagmasdan ang kapaligiran. Marami mang kalat sa paligid, umaalingasaw man ang amoy sa mga estribo'y hindi pa rin ito dahilan para ikaw ay makaramdam ng depresyon. Masarap mabuhay kaya habang humihinga ka, ikaw ay makipagkuwentuhan, magsaya at maglakbay. Napakabilis lang ng oras kaya bawat pagtiktak ng orasan ay huwag na huwag mong sasayangin. Mahirap mabuhay ng may pinanghihinayanganan.

What if? Huwag mong hayaan na ang mga katagang ito na lamang ang tanong na tatambay sa nakaraan. Maaari ngang ang nakaraan ay bahagi ng ating buhay pero mong hayaang mabuhay ka na lang sa nakaraan. Kailangan mong umabante, sa ayaw at sa gusto mo, may mga bahagi ng buhay natin ang kailangan ng iwan dahil sa paglipas ng panahon, ang lahat ay mababago.

Kaya, kung ayaw mong magsisi, huwag kang gagawa ng bagay na iyong pagsisisihan. Ang pagkakamali kasi ay mistulang anay na sisira sa'yong pagkatao. Hindi ako perpekto, marami akong pagkakamaling nagawa pero ginagawa ko itong inspirasyon para maituwid ko ang pagkakamali kaya huwag ka na magpadala sa depresyon. Ayusin mo na lamang ang iyong sarili.

Kaysa magsabi ka ng What if kapag may bagay ka ng pinagsisisihan, sabihin mo ang what if kapag may pangarap kang nais na matupad. Kung nakatayo ka ngayon o kahit na nakaupo o talungko ka pa, ang tingin mo ay nakapako sa direksyon na taahakin mo kaya huwag ka na lumingon pa. Huwag mo na balikan pa ang basura na dapat at tluyan mo ng itapon dahil di 'yan makakatulong sa'yo kung nais mong magkaroon ng magandang buhay.

Ako nga pala si Maria Angela 'Ria' Odulio Gonzales, asahan ninyo na lagi ninyong makakasama sa inyong paglalakbay tungo sa Magandang Umaga.

Showbiz Balita ni Maria: Ang komedyanteng si Chokoleit, patay na!

Ang nakalulungkot na balitang ito ang bumungad sa akin ng magbkas ako ng FB kaya naman agad ko itong ikinumpirma sa pamamagitan ng mga Tweet...