Friday, March 1, 2019

Yayaman o mamamatay?



Ang mga taong palangiti ay kalimitang nagkakaroon ng maraming kaibigan. Nagagawa kasi nilang makaenggayo ng mga tao para sila ay mahalin at pagkatiwalaan. Kaya naman, napakaimportante talaga kung pangangalagaan natin ang ating mga ngipin. Kung puro tartar kasi ang ngipin mo, tiyak na mawawalan ka rin ng self confidence.  Sigro naman ay hindi mo rin gugustuhing mangyari iyon, hindi ba?


Bago mo pa isipin na sinesermunan kita, nais ko ng ipaalam sa’yo na kaya tungkol sa ngipin ang topic natin ngayon ay dahil gusto kong ipaalam sa’yo ang ilang pamahiin tungkol sa ngipin na maaaring maging dahilan para ikaw ay suwertehin o malasin. Kaya, tinitiyak kong hindi ka lang mai-excite sa artikulo na ito dahil maaari naman talagang ikaw ay kabahan ng husto.

Una, itapon ang natanggal na ngipin sa bubungan.  Susuwertehin ka raw kapag ginawa mo ito, ayon sa matatanda. O, hwag ka munang ma-excite dahil may age limit ito. Ang dapat lang na gagawa nito ay ang mga bata. Sila iyong mayroon pa lamang na temporary teeth. Kung may anak ka, ipaalam mo ito sa kanya.  

Pangalawa, ilagay sa ilalim ng unan ang natanggal na ngipin. Sabi nga matatanda, kapag ginawa mo raw iyon ay malalaman iyon ng tooth fairy at ang ngipin na natanggal ay papalitan ng tooth fairy ng pera. Kaya, sabihin mo ulit ito sa’yong anak. Hindi naman siguro masama kung maniniwala ka rito at ikukuwento mo ito sa’yong anak. Isipin mo na lang na wala namang masama kung ito ang iyong magiging bed time story mo sa’yong anak.

Pangatlo, itapon sa labas ng bintana ang ngipin. Magkakaroon ka raw ng magandang ngipin o permanent teeth ang iyong anak  kapag kinuha iyon ng ibon. Basta ang kailangan lang gawin ng anak mo ay tumingala sa langit at sundan ng tingin ang palayong ibon para magawa nitong maipaabot sa langit ang kahilingan mong magkaroon ng magandang ngipin.

Kung nasiyahan ka sa mga pamahiing ito, ang susunod kong sasabihin sa’yo ay makapagbigay sa’yo ng kaba. Sabi nga, kung may advantage ay mayroon ding disadvantage. Kapag daw kasi nanaginip ka na nalalagas ang ngipin mo, maaaring mayroon kang kapamilya na mamamatay., Kung ayaw mong magkatotoo ang panaginip mong iyon, kailangan mong kumagat ng kahoy para makontra ang iyong panaginip.

Ayaw ko sanang maniwala na mayroong kinalaman ang panaginip ng pagkalagas ng ngipin sa kamatayan ng tao ngunit kapag nanaginip akong nalalagas ang ngipin ko, mayroon nga akong kapamilya na namamatay. Ewan ko tuloy kung nagkataon lamang ba iyon o talaga ngang dapat na paniwalaan ang tungkol sa pamahiing ito.

Ikaw ba, nanaginip ka ng nalalagas ang ngipin mo tapos ay natuklasan mong may kapamilya kang nawala? Ikuwento mo naman. 

No comments:

Post a Comment

Showbiz Balita ni Maria: Ang komedyanteng si Chokoleit, patay na!

Ang nakalulungkot na balitang ito ang bumungad sa akin ng magbkas ako ng FB kaya naman agad ko itong ikinumpirma sa pamamagitan ng mga Tweet...