Ang nakalulungkot na balitang ito ang bumungad sa akin ng magbkas ako ng FB kaya naman agad ko itong ikinumpirma sa pamamagitan ng mga Tweets at anunsyo na rin mula sa Kapamilya at doon ay nalaman ko ang detalyadong nangyari sa isang magaling na komedyante na gustung-gusto ko rin. Siyempre, nagagawa rin niya kasi akong patawanin sa kanyang mga hirit.
Ayon sa mga ulat na inilabas ay nasa Vigan si Chokoleit at nagpe-perform ng makaranas ito ng paghihirap sa paghinga. Isinugod naman ito sa hospital sa Vigan kaso hindi na kinaya pa ni Chokoleit.
Sa pangyayaring ito, alam kong marami rin ang pusong nangungulila sa pagkawala ng magaling na komedyante. Sangkaterbang tao naman kasi ang nagawa niyang patawarin sa kanyang mga hirit. Kaya, talagang nakalulungkot isipin na hindi na natin muli pa siyang makikita. Hindi na niya tayo magagawa pang patawanin, maliban na lang kung panonoorin natin ulit ang mga palabas kung saan siya naroroon.
Salamat sa papapasaya mo, Chokoleit.
Maligayang paglalakbay!
Saturday, March 9, 2019
Friday, March 8, 2019
Paraan ni Maria: Tips para ikaw ay magkapera
Gusto kong magkapera! ‘Yan ang kalimitang isinisigaw ng mga tao, kahit na ano pa ang kanyang lahi ay ‘yan ang tanging gusto niyang magkaroon dahil nga, ang pera ang dahilan kaya nagagawa nating makapagsabayan sa agos ng buhay. Kapag nawalan ka ng pera, siguradong para na rin tumigil ang ikot ng mundo mo.
Kaya naman naisipan kong isulat ang artikulo na ito. Ibig kong bigyan ka ng ilang tips para hindi ka mawalan ng pera o magkaroon ka ng pera. Hindi man kita nakikita ngayon, nakakasiguro akong napangiti kita. Kung ganoon, maigi pa talagang basahin mo na ang ilang paraan para ikaw ay magkapera.
Una, magtrabaho ka. Paano ka naman kasi magkakaroon ng pera kung hindi ka magbabanat ng buto? Kaya, kung nais mong magkapera, huwag mong sayangin ang oras mong gumawa ng walang kapararakang bagay, maghanap ka ng trabaho. Kung nais mo talagang may makain ka o makatulong sa’yong pamilya, huwag ka na maging mapili. Ikaw din kasi ang mahihirapan niyan. Sana naman ay huwag mo rin hayaan na kumalam ang sikmura mo dahil kapag hinayaan mong mangyari ‘yan, kung anong kasamaan na lamang ang maisip mo. Ito ang dahilan kung bakit nagkalat ang snatcher at holdaper. Mayroon naman diyan na kahit na marami ng salabi ay gahaman pa, ayaw mawalan ng pera kaya ang ginagawa, nagiging lider ng sindikato. HUwag mong hayaang maging ganoon ka. Tandaan mo, lahat ng kasamaan ay may hangganan.
Pangalawa, maging responsable ka. Kung magiging masipag ka, tinitiyak ko sa’yo na lagi kang may makikitang pera. Bawat pagkakataon kasi ay susunggaban mo. Hindi ka na magiging mapili. Okay lang naman iyon, huwag ka lang gumawa ng masama dahil kapag ang pera mo ay nakuha mo sa masama, sinisiguro ko sa’yo, agad ding mawawala ‘yan. Maiging kapag nakahawak ka ng pera ay matuto kang mag-budget ng husto.
Pangatlo, alamin ang iyong kakayahan. Hindi naman maaari iyong lagi ka na lamang sumusugod. Kung napapagod ka, matuto ka ring huminto. Tapos ay isipin mo kung ano pa nga ba ang kakayahan mo? Baka naman may talento ka sa pagsusulat, pagpipinta o kung ano pa man. Kung ganoon, may maganda akong balita sa’yo. Marami kang trabaho makikita online na maaari kang kumita ng malaki, mas mae-enjoy mo pa dahil iyon ang kinahihiligan mo. Kaya, tigilan mo na ang pagmumukmok. Kilos na!
Pang-apat, magnegosyo ka. Sabi nga ng marami, hindi ka aasenso talaga kung mamamasukan ka lang. Kung alam mo naman na may kakayahan kang magnegosyo, ganoon ang gawin mo. Nakakatakot mang maglabas ng puhunan sa pagnenegosyo, hindi ka naman malulugi kung talagang gusto mo ginagawa mo. Basta, maging wais ka lang palagi para hindi ka rin maisahan. Kaya, kailangan mo ring mag-ingat sa makaka-transaksyon mo. Huwag kang basta maniniwala sa sinasabi sa’yo ng isang tao o mga tao, kailangan mo ring gamitin ang iyong isip kung talagang gusto mong magtagumpay sa buhay.
Pang-lima, mag-ipon ka. Kailangan mo rin siyempreng mag-impok hangga’t kumikita ka dahil kapag bigla kang huminto sa’yong pagtatrabaho ng hindi ka pa nakapag-iipon, anong mangyayari sa’yo? Tiyak ko na ang sagot ay hindi mo magugustuhan kaya kaysa ma-badtrip ka sa hirit ko, sundin mo na lang ang payo ko.
Kung ang mga langgam ay nagtatabi ng kanilang makakain para kapag inabutan na sila ng ulan ay hindi na sila lalabas sa kanilang lungga, bakit hindi mo rin gawin iyon tutal ang gusto mo naman talaga ay magkaroon ng pera?
Halik March 8: Ace at Jade, nagkabalikan
Tulad ng karamihan, paborito ko ring panoorin ang Halik nina Jericho Rosales, Yen Santos, Sam Milby at Yam Concepcion. Napakarami kasi akong emosyon na nararamdaman kapag pinapanood ko ang kanilang teleserye kaya naman kahit buwisit na buwisit ako sa karakter ni Yam Concepcion bilang Jade Flores Bartolome, may awa pa rin akong nararamdaman para sa kanya kahit kapiranggot lamang.
Marahil para sa iba, wala kang dapat maramdaman para kay Jade kundi ang pagkamuhi dahil nga siya ay nang-agaw, naging kabit at napakakapal ng mukha. Biruin mo ba naman, nagawa na siyang patawarin at tanggapin pero nagpakita pa rin siya ng kasamaan. Subalit kung magiging bukas lamang tayo sa karakter ni Jade, kahit paano ay maiintindihan natin siya. Lumaki kasi siyang walang pamilya kaya naman nakakaramdam siya ng takot nakikita niyang may napapalapit kay Lino (Jericho Rosales) lalo na si Jackie (Yen Santos) kaya ng dumating si Ace (Sam Milby) na bigay todo ang pagbibigay atensyon sa kanya, inakala niya na iyon na ang hinahanap niya. Iyon nga lang, nakakainis si Jade talaga dahil wala siyang kadalaan. Niloko na nga siya minsan ni Ace, nagtiwala pa siya ulit at todo-todo na ang pananakit niya kay Lino.
Kunsabagay, mas gusto ko ng kontrabida si Jade dahil lumalabas ang galing niya sa pag-arte. Napaka-boring kasi niyang panoorin kapag mabait ang ginagampanan niyang papel. mas hindi kapani-paniwala. Kaya, nakakatiyak ako ngayon na marami na namang netizens ang muhing-muhi kay Jade lalo na at nagkabalikan na muli sina Jade at Ace. Maaaring hindi pa naman humahantong sa kama ang kanilang relasyon pero nagtutulungan na sila para mapaghigantihan si Lino.
Napakabait ni Lino kaya talagang hindi niya deserve ang karakter ni Jade. Dapat lamang talaga na magkaroon sila ng happy ending ni Jackie. At tiyak na mas magugustuhan ng manonood kung sa huli ay makukulong si Ace at si Jade naman ay mababaliw. Ganoon naman kasi ang mga taong gumawa ng masama sa kanyang kapwa, bibigyan ng karampatang parusa. Gayunman, ang manunulat at director pa rin siyempre ang masusunod kung ano ang dapat na maging ending ng Halik.
Basta kahit na nakaka-highblood sina Ace at Jade, hinding-hindi ko aalisin ang atensyon ko sa panonood ng kanilang teleserye. Kahit naman kasi masasamang tao sila sa paningin ng marami, sila pa rin ang dahilan kaya tinututukan ang kanilang teleserye. Magagaling kasing umarte sina Sam Milby at Yam Concepcion, gayundin sina Jericho Rosales at Yen Santos na talaga namang kaawa-awa sa teleseryeng Halik.

Friday, March 1, 2019
Yayaman o mamamatay?
Ang mga taong palangiti ay kalimitang nagkakaroon ng maraming kaibigan. Nagagawa kasi nilang makaenggayo ng mga tao para sila ay mahalin at pagkatiwalaan. Kaya naman, napakaimportante talaga kung pangangalagaan natin ang ating mga ngipin. Kung puro tartar kasi ang ngipin mo, tiyak na mawawalan ka rin ng self confidence. Sigro naman ay hindi mo rin gugustuhing mangyari iyon, hindi ba?
Bago mo pa isipin na sinesermunan kita, nais ko ng ipaalam sa’yo na kaya tungkol sa ngipin ang topic natin ngayon ay dahil gusto kong ipaalam sa’yo ang ilang pamahiin tungkol sa ngipin na maaaring maging dahilan para ikaw ay suwertehin o malasin. Kaya, tinitiyak kong hindi ka lang mai-excite sa artikulo na ito dahil maaari naman talagang ikaw ay kabahan ng husto.
Una, itapon ang natanggal na ngipin sa bubungan. Susuwertehin ka raw kapag ginawa mo ito, ayon sa matatanda. O, hwag ka munang ma-excite dahil may age limit ito. Ang dapat lang na gagawa nito ay ang mga bata. Sila iyong mayroon pa lamang na temporary teeth. Kung may anak ka, ipaalam mo ito sa kanya.
Pangalawa, ilagay sa ilalim ng unan ang natanggal na ngipin. Sabi nga matatanda, kapag ginawa mo raw iyon ay malalaman iyon ng tooth fairy at ang ngipin na natanggal ay papalitan ng tooth fairy ng pera. Kaya, sabihin mo ulit ito sa’yong anak. Hindi naman siguro masama kung maniniwala ka rito at ikukuwento mo ito sa’yong anak. Isipin mo na lang na wala namang masama kung ito ang iyong magiging bed time story mo sa’yong anak.
Pangatlo, itapon sa labas ng bintana ang ngipin. Magkakaroon ka raw ng magandang ngipin o permanent teeth ang iyong anak kapag kinuha iyon ng ibon. Basta ang kailangan lang gawin ng anak mo ay tumingala sa langit at sundan ng tingin ang palayong ibon para magawa nitong maipaabot sa langit ang kahilingan mong magkaroon ng magandang ngipin.
Kung nasiyahan ka sa mga pamahiing ito, ang susunod kong sasabihin sa’yo ay makapagbigay sa’yo ng kaba. Sabi nga, kung may advantage ay mayroon ding disadvantage. Kapag daw kasi nanaginip ka na nalalagas ang ngipin mo, maaaring mayroon kang kapamilya na mamamatay., Kung ayaw mong magkatotoo ang panaginip mong iyon, kailangan mong kumagat ng kahoy para makontra ang iyong panaginip.
Ayaw ko sanang maniwala na mayroong kinalaman ang panaginip ng pagkalagas ng ngipin sa kamatayan ng tao ngunit kapag nanaginip akong nalalagas ang ngipin ko, mayroon nga akong kapamilya na namamatay. Ewan ko tuloy kung nagkataon lamang ba iyon o talaga ngang dapat na paniwalaan ang tungkol sa pamahiing ito.
Ikaw ba, nanaginip ka ng nalalagas ang ngipin mo tapos ay natuklasan mong may kapamilya kang nawala? Ikuwento mo naman.
Hiniwalayan ng gf na gustong yumaman
Hello Maria,
Pangarap ng gf kong yumaman kaya hiniwalayan niya ako para mag-abroad. Matatanggap ko naman na magkalayo kami pero sabi niya, magiging istorbo lang ako sa kanyang goal. Payuhan mo ako kung ano ang dapat kong gawin. -- Gino
Gino,
Igalang mo na lang ang kanyang pasya dahil wala ka na rin namang pagpipilian kundi ang kalimutan siya. Huwag ka na umasa pa na magkakabalikan kayo dahil masasaktan ka lang. Huwag mo na pahirapan pa ang iyong sarili. Isipin mo na lang na hindi kayo ang inilaan ng tadhana para sa isa’t isa. Ayoko sanang mas masaktan ka pero baka makakatulong sa’yo kung sasabihin kong hindi ka niya mahal. Kng mahal ka kasi niya, isasama ka niya sa kanyang pangarap. Pwede naman kasing LDR o long distance relationship kayo pero hindi niya ginusto iyon. Mas ginusto pa niyang pawalan ka na lang. Kunsabagay, mas maigi na iyon kaysa naman paasahin ka pa niya sa wala.
Ang maigi mong gawin ngayon ay mag-move on na. Huwag ka na magmukmok pa. Hindi kasi ‘yan makakatulong sa’yo. Masakit pa ‘yan ngayon pero agad ka rin makakabawi kung mas gugustuhin mong harapin ang kasalukuyan. Maigi rin kung itutuon mo na lang ang atensyon mo sa mahahalagang gawain. Mag-aral o magtrabaho ka. Dapat lang ng mayroon kang pinagkakaabalahan kung nais mong makalimot agad.
Ang pamilya at mga kaibigan mo ay makakatulong sa’yo. Ituon mo ang pansin mo sa kanila at mari-realize mong sila ang tunay na nagmamahal sa’yo. Sa takdang panahon naman kasi ay makikilala mo ang taong tunay na magpapahalaga sa’yo kaya huwag ka na malungkot pa. Tandaan mo rin sana na kung talagang mahal mo ang isang tao ay ibibigay mo ang makapagpapaligaya sa kanya kaya iyon ang gawin mo. Tulad nga ng hiling ng girlfriend mo, palayain mo na siya.
Kahit pa sabihin mong mahal na mahal mo ang isang tao, magagawa mo ring makalaya sa pagmamahal mo sa kanya kung paulit-ulit mong sasabihin sa’yong sarili na ‘istorbo ka lang sa kanyang buhay.’ Kung nais kasi nating makalimot, huwag kang kumapit sa magagandang alaala. Mas maigi kung ang palit-ulit mong ipapaalala sa’yong sarili ay ang mga bagay na makakapagpa-turn off sa’yo dahil doon ay maiisip mong hindi siya karapat-dapat pag-alayan ng pagmamahal.
Ipinagpalit ka niya sa pera kaya sa palagay ko’y sapat ng dahilan iyon para sabihin mo sa’yong sarili na hindi siya deserving para sa’yo. Ayokong siraan ang girlfriend mo pero naisip mo bang, trabaho lang ba talaga ang dahilan kaya ginusto niyang iwanan ka. Paano kung may online boyfriend pala siya at magpapakasal sila sa ibang bansa. Ay naku, pasensiya ka na kung masyado akong advance mag-isip pero kahit ano pa ang dahilan, matto ka na tumanggap ng pagkatalo.
Sana naman sa mga sinabi kong ito ay magawa kitang matulungan para maging okay ang iyong buhay. Hindi naman kasi talaga masama ang mag-move on lalo’t ang taong iyon ay makasarili at hindi nagawang pinahalagahan ang ibinigay mong pagmamahal.
.
Mga dapat iwasan para 'di malasin
Ayokong malasin! Ito ang gusto kong isigaw para marinig ng buong universe na hindi ko gugustuhin ang mabuhay sa kalungkutan at kamalasan. kaya ang ginagawa ko'y sinusunod ko ang ilang pamahiin na natutunan ko mula sa matatanda.
Sa paniniwala ng iba, sasabihing kalokohan lang naman ang mga pamahiin ngunit siyempre, iba-iba naman ang ating paniniwala. Ako, nais ko siyempreng makasigurado kaya sinsunod ko ang ilang pamahiin na makakapagbigay ng pamahiin suwerte at iniiwasan naman ang makapagbibigay ng pamahiin malas.
Para mabigyan kita ng ilang pampasuwerte, ibabahagi ko sa'yo ang ilang pinaniniwalaan ko. Nasa iyo naman kung ito ay susundin mo pero para sa akin ay epektibo ito.
Una, huwag maging makalat . Promise, makapagbibigay ito sa'yo ng suwerte kapag pinanatili mong malinis ang paligid . Kung sa tingin mo ay makalat ang iyong paligid, umpisahan mo na ang pagwawalis at pagpupunas dahil sinisiguro ko sa'yong makakatulong 'yan para ikaw ay magkaroon ng maayos na pamumuhay.
Pangalawa, iwasan ang mga dekorasyong matutulis at mababagsik. Maging ang suwerte ay matatakot na pumasok sa inyong tahanan kung ang mga naka-display sa inyong tahanan ay ulo ng patay na hayop. Mas maigi kung ang idi-display mo sa'yong tahanan ay mga pabilog dahil ang suwerte ay mananatili lamang iikot sa inyong bahay. Maigi rin kung ang kulay ng inyong bahay ay mga light colors dahil mas magaan ang pasok ng suwerte sa inyong bahay.
Pangatlo, huwag kang papatay ng pusa. Kapag ginawa mo ito, sinadya mo man o hindi, tinitiyak ko sa'yong mamalasin ka ng siyam na taon. Siguro naman ay hindi mo gugustuhing mangyari iyon, 'di ba? Kaya, dapat lamang na maging mabuti ka. Tandaan mo, ang pusa o anumang uri ng hayop ay mayroong buhay na dapat mong igalang.
Kaya, sana ay huwag na huwag mo kalilimutan ang mga bagay na maaaring magbigay sa'yo ng suwerte.

Subscribe to:
Posts (Atom)
Showbiz Balita ni Maria: Ang komedyanteng si Chokoleit, patay na!
Ang nakalulungkot na balitang ito ang bumungad sa akin ng magbkas ako ng FB kaya naman agad ko itong ikinumpirma sa pamamagitan ng mga Tweet...
-
Gusto kong magkapera! ‘Yan ang kalimitang isinisigaw ng mga tao, kahit na ano pa ang kanyang lahi ay ‘yan ang tanging gusto niyang magkaroo...
-
Tulad ng karamihan, paborito ko ring panoorin ang Halik nina Jericho Rosales, Yen Santos, Sam Milby at Yam Concepcion. Napakarami kasi akong...
-
Ang nakalulungkot na balitang ito ang bumungad sa akin ng magbkas ako ng FB kaya naman agad ko itong ikinumpirma sa pamamagitan ng mga Tweet...